PUERTO PRINCESA CITY – NAGSAGAWA ng pag-aaral sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) lungsod ng Puerto Princesa ang grupo ng NHQ ISO Core mula Abril 8 hanggang 12, 2024.
Isinagawa sa naturang kaganapan ang pag-audit ng iba’t ibang proseso ng pagmamay-ari sa loob ng IPPF na isinagawa ng nasabing team na nagmula pa sa National Headquarters Bureau.
Sa pagpupulong, ipinakita at inulit ng nasabing team ang ukol sa Quality Management System (QMS) Audit Plan.
Tinalakay rin dito ang mga tungkulin at responsibilidad ng ISO Core Team at ISO awareness na pinamumunuan ni Ginoong Theodore Perez.
Ayon sa Bureau of Correction, layunin umano ng pag-audit ay upang matukoy ang lawak ng pagsang-ayon ng sistema ng pamamahala sa pamantayan ng pag-audit.
Bukod pa rito, tinatasa nito ang kapasidad ng sistema ng pamamahala upang matiyak ang pagsunod sa mga kinakailangan para sa batas, regulasyon, at kontraktwal.
Sa loob ng limang (5) araw na proseso ng pag-audit, sinuri ng lubusan ng mga auditor ang mga kasalukuyang pamamaraan, dokumentasyon, at mga rekord at tinasa ang pagiging epektibo ng ipinatupad na QMS sa IPPF upang mapanatili at mapahusay ang sistema ng pamamahala ng kalidad ng IPPF.