PHOTO//WESTERN COMMAND ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

Ni Ven Marck Botin

KUMPISKADO ng mga awtoridad sa pagmamay-ari ni Eladio PareΓ±as Jr. ang mahigit 1.28 milyong pisong halaga ng mga iligal na kahoy, nitong araw ng Miyerkules, ika-24 ng Mayo, sa Sitio Ariman-an, Barangay Talog, sa bayan ng Taytay, Palawan.

Sa ikinasang operasyon ng tauhan ng Taytay Municipal Police Station (MPS), Naval Forces West ng AFP Western Command (WESCOM), at 3rd Marine Brigade, sinabing nakumpiska ng mga ito ang β€˜illegal lumbers’ sa dalawang magkaibang bodega na pagmamay-ari ng suspek.

β€œA total of 16,071.66 [board feet] of illegal lumbers amounting to P1, 287, 732.08 were seized, including 948 pieces of Ipil lumbers equivalent to 12,851.66 bd. ft. amounting to P1, 028, 132.08 and another 168 pieces of Ipil lumbers in another warehouse equivalent to 3,220 bd. ft. amounting to P257, 600.00,” saad ng ahensya.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa ilalim ng β€˜search warrant’ na inilibas ng local court sa dalawang magkaibang bodega na pagmamay-ari ni PareΓ±as Jr.

Sa ngayon, ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa section 68 ng Presidential Decree (PD) No. 705 na kilala bilang β€œRevised Forestry Code of the Philippines” na may kaukulang multa o parusang pagkakulong.

Samantala, dinala naman ng mga operatiba ang mga nakumpiskang kahoy sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa bayan ng Taytay para sa tamang disposisyon ng mga ito.

Author