PUERTO PRINCESA CITY β BUMISITA sa munisipyo ng Taytay, Palawan, ang mga kawani ng Landbank of the Philippines nito lamang nakaraang araw.
Sa Facebook post ng Municipal Government, nakasaad doon na layunin ng pagbisita na talakayin ang planong pagtatayo ng karagdagang branch ng Landbank sa lugar.
Sa naging pag-uusap ng mga representante ng naturang banko kay Municipal Mayor Christian V. Rodriguez, kanilang inilatag ang mga benepisyo ng proyekto, timeline para sa konstruksyon nito, at iba pang mga kakailanganing dokumento para sa bagong proyekto.
Ayon sa Landbank, ilan lamang sa adbentahe nito ang maiangat ang pagbibigay ng financial services sa mga residente dagdag pa rito ang pagbubukas ng trabaho na makatutulong sa ekonomiya ng Taytay.
βThe Landbank emphasized its commitment to supporting the growth and prosperity of the municipality through the establishment of this new branch,β batay sa impormasyon mula sa Municipal Government.
Tinuran naman ng alkalde na bukas ang kanilang munisipyo sa panukalang pagtatayo ng banko dahil malaki ang maitutulong nito sa mga Taytayanos.