Ni Marie Fulgarinas
PUERTO PRINCESA CITY — Namahagi ng Livelihood Equipment ang Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Culion, Palawan, sa grupo ng mga benepisyaryong mangingisda ng Burabod Integrated Community Development Association (BICDA) nitong nakalipas na buwan ng Abril.
Ilan sa mga naipamahaging kagamitan sa ay kinabibilangan ng isang (1) Chest Freezer at limang (5) Iceboxes mula sa tanggapan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.
Ang nasabing distribusyon ay inisyatibo ng Lokal na pamahalaan sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang makakalap ng mga programang makatutulong sa mga mamamayan ng bayan ng Culion.
Ang nasabing samahan din ang kauna-unahang benepisyaryo mula sa Northern Palawan na nakatanggap ng Livelihood Equipment mula sa BFAR.