PALAWAN, PHILIPPINES – Dalawang (2) asosasyon mula sa Barangay Tinintinan, nabanggit na bayan, ang pinagkalooban ng
Livelihood grant nitong araw ng Huwebes, Mayo 16, 2024 na ginanap sa nasabing barangay.
Ito ay pormal na ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) Palawan sa lokal na pamahalaan ng Araceli kung saan nakatanggap ang bawat asosasyon ng halagang Php1,490,760.00 at Php1,490,843.00 para sa asosasyon ng Women and Farmers, habang nagkakahalaga naman ng 983,550.00 Pesos ang ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ng TUPAD.
Ayon sa Local Government Unit (LGU) Araceli Official, matagumpay na naisakatuparan ang nasabing programa dhil sa pakikipagtulungan ng DOLE sa pangunguna ni Provincial Director Carlo B. Villaflores Ph.D, kasama ang kanyang mga tauhan, Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRMO), gayundin sa pakikipagtulungan ng lokal na Pamahalaan ng Araceli sa inisyatiba ni PESO Manager Ginoong Celso B. Nicanor, Jr. bilang kahalili ni Mayor Sue S. Cudilla.