Photos courtesy | PIO Palawan

Ni Samuel Macmac

MALINIS na inuming tubig ang serbisyong hatid ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gobernador Victorino Dennis M. Socrates para sa mga residente sa bayan ng Coron.

Ang Solar Powered Deep Well Water System ay pinondohan ng mahigit P222 milyon para sa Level 3 Water System Project na itinayo sa Brgy. Buenavista sa bayan ng Coron, ayon sa tanggapan ng impormasyon ng Kapitolyo.

Hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan na matugunan ang kakulangan ng malinis na inuming tubig na kung saan makikinabang ang 13 barangays ng nasabing bayan.

Ang pinasinayaang proyekto ay naiskatuparan sa pamamagitan ng Economic Enterprises Development Office (PEEDO) ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa pakikipag-ugnayan ng Repetek, Ang Diyaryo ng Pilipino, kay Palawan Water Infrastructure Program Engr. Ann Michelle Cardenas, ang proyektong ito ay kapareho ng ibang proyektong tubig ng Pamahalaang Panlalawigan na itinayo sa iba’t ibang munisipyo sa lalawigan na kung saan ginagamitan ito ng key card.

Ang proseso naman nito ay idadaan ang tubig alat sa reverses osmosis high pressure vessel upang paghiwalayin ang salt ions mula sa salt water solutions sa pamamagitan ng semi permeable membrane gamit ang high pressure pump. Sa tulong nito, gagawing high quality potable water na maaaring inumin gaya ng isang purified water.

Mabibili ng bawat konsyumer ang malinis na inuming tubig gamit ang reloadable keycard gaya ng pagbili ng cellphone load.

Samantala, ang proyektong ito ay ang ika-12 water system project ng Pamahalaang Panlalawigan sa nasabing bayan na nasimulan noong nakaraang administrasyon. #RepetekNews | via Samuel Macmac

Author