Ni Samuel Macmac

PALAWAN, Philippines — NAGKALOOB ng trabaho ang Pamahalaang Panglungsod para sa tatlumpu’t limang taga-lungsod bilang mga bagong tour guide.

Masayang nakapasa ang 35 indibidwal sa screening sa ilalim ng superbisyon ng City Tourism Office sa pamumuno ni Tourism Officer Demetrio Alvior Jr na silang magbibigay-buhay sa kasaysayan at kultura ng lungsod gayundin ang pagpapakilala sa mga exotic delicacies sa mga turista.

Base sa ulat ng City Tourism Office, tumaas ang pagdagsa ng mga turista sa lungsod kung kaya’t maraming trabaho ang naipagkakaloob sa mga mamayan ng Puerto Pincesa.

Katunayan nito, maraming delegado ang dumating nitong unang kwarter ng taon mula pa sa iba’t ibang bansa para sa ginanap na World Table Tennis (WTT), at iba pang aktibidad na isinasagawa ng Pamahalaang Panglungsod gayundin ang pagho-host ng mga kumbensyon na kung saan nga isinagawa rito kamakailan ang Public Financial Management Competency Program (PFPMC) na dinaluhan ng iba’t ibang LGUs ng mga probinsya ng rehiyong MIMAROPA.

Samantala, inaasahang mas marami pang bisita ang masisiyahan sa kanilang pamamasyal sa lungsod ng Puerto Princesa sa tulong ng iba’t ibang paraan ng pag-entartain ng mga bagong tour guide.

Author