(Kuhang larawan ng Australian Centre for International Agricultural Research (ACIAR) Coral Restoration Project sa isinagawang pananaliksik sa Port Barton Twin Reef.)

PUERTO PRINCESA CITY – Nasaksihan ng mga siyentistang nagsasagawa ng pananaliksik sa karagatan ng Twin Reef sa nabanggit na barangay, sa bayan ng San Vicente, Palawan, ang Multispecies Coral Spawning o ang pangingitlog ng iba’t ibang uri ng mga korales.

Ayon sa Australian Centre for International Agricultural Research (ACIAR) Coral Restoration Project, nasaksihan ng mga researchers sa unang pagkakataon ang anim (6) na gabing pangigitlog ng iba’t ibang korales sa nasabing karagatan.

Inihayag din ng organisasyon na milyun-milyong bilang ng mga itlog ang nakolekta sa lugar na nakatakda namang papakawalan o ire-release sa mga ‘degraded reefs’ ng Port Barton.

Ayon pa rito, naging matagumpay ang nasabing pananaliksik sa tulong ng UP Marine Science Institute Coral Restoration Team, Lokal na pamahalaan ng bayan ng San Vicente, at Western Philippine University (WPU). ( Facebook/ACIAR ACIAR Coral Restoration Project)

Authors