(Makikita sa larawan sina Mayor Abraham M. Ibba at CBNC Plant Manager Hideaki Sato. Photo Courtesy: Bataraza Public Information Office)
PUERTO PRINCESA CITY – Nilagdaan kahapon, Huwebes, Mayo 30, ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagpapasinaya ng Level 3 Water System Project o “rehabilitation and upgrading” ng nasabing patubig na matatagpuan sa Sitio Pasi-pasi, nabanggit na barangay, bayan ng Bataraza, Palawan.
Sa ulat ng pampublikong impormasyon ng lokal na pamahalaan, pinangunahan ni Municipal Mayor Abraham M. Ibba ang paglagda sa nasabing kasunduankasama sina Coral Bay Nickel Mining Corporation (CBNC) Plant Manager Hideaki Sato, kinatawan ng Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC), Bgy. Sandoval Captain Eddie Catague, at mga opisyal ng lima (5) pang mga barangay.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng 63.6 milyong piso para sa pagpapaunlad ng proyektong patubig na papakinabangan ng mga residente ng Barangay Sandoval, Iwahig, Culandanum, Sarong, Igang-Igang, at Ocayan.
“Access to safe water, sanitation, and hygiene is the most basic human need for health and well-being. A Level 3 water system will benefit the residents in the said barangays after the construction of the project through the companies’ Social Development and Management Program (SWMP) and Corporate Social Responsibility (CSR) funds to supplement the required project funding,” pahayag ng tanggapan.
Inihayag din ng Bataraza Public Information na magsisimula ang konstruksiyon ng proyekto ngayong taon.