Photo Courtesy | PRC

Ni Marie Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY — Inanunsiyo ng Professional Regulation Commission o PRC ngayong araw, Sabado, Hunyo 1, na 3,155 passers mula sa 10,421 ang nakapasa sa May 2024 Licensure Examination for Certified Public Accountants (CPALE).

Sa nasabing resulta, nanguna sa Top 10 ranking ng May 2024 CPA Licensure Examination sina Nicole Agoy Gonzales ng University of the Cordilleras (formerly Baguio C.F) at Hazel Ann Concepcion Sera ng Polytechnic University of the Philippines Main – Sta. Mesa na parehong nakakuha ng 90.83 general rating.

Sa kabuuan, labing-siyam (19) na mga indibidwal ang kabilang sa Top 10 ranking mula sa iba’t ibang pamantasan sa bansa.

Ang nasabing pagsusulit ay ibinigay ng Board of Accounts nitong nakalipas na Mayo 26 hanggang ika-28 ng buwan sa mga testing centers sa bansa na kinabibilangan ng National Capital Region, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, Zamboanga, at Lungsod ng Puerto Princesa.

Samantala, labintatlo (13) mula sa dalawampu’t pitong (27) examination takers mula Palawan State University (Palawan SU) ang nakapasa sa nasabing pagsusulit.

Author