Photo Courtesy | PAOCC

Ni Marie Fulgarinas

Puerto Princesa City — Nangangamba si Senadora Risa Hontiveros sa posibleng banta sa soberanya ng bansa ang pagpasok ng mga ispeya ng Tsina makaraang matagpuan sa isinagawang raid ang suspetsadong Chinese military uniform ng People’s Liberation Army (PLA) sa isang Philippine Offshore Gambling Operators (POGO) hub sa Pampanga.

“The discovery of the PLA uniform only corroborates information shared by intelligence agencies establishing credible links between POGOs and foreign intelligence assets. Someone is hellbent on compromising our sovereignty.

The implications of these uniforms should send chills down our spine. It is so clear that every POGO has exploited our economic vulnerabilities and that POGOs have now evolved into a breeding ground for crime and a national security threat. Lahat ng POGO, masama,” pahayag ng senadora.

Ani Hontiveros, matagal nang naipaabot sa kanilang mga kinauukulan ang pangamba ng Philippine intelligence agencies hinggil sa pagpasok ng mga ito.

“Kaya nananawagan akong muli kay Presidente [Ferdinand Marcos Jr.]: iutos na niya ang total ban para sa mga POGO.

I will file a bill to repeal RA 11590, passed during the Duterte administration on the taxation of POGOs. I said NO to that law, at ngayon ibabasura na natin ng tuluyan,” ani Hontiveros.

Author