PHOTO// DOLE MIMAROPA

Ni Clea Faye G. Cahayag


NAGSAGAWA ng kauna-unahang Technical and Advisory Visit o TAV ang Department of Labor and Employment (DOLE) Palawan Provincial Office nitong ika-23 nitong buwan ng Mayo, sa bayan ng Coron, Palawan na dinaluhan ng 120 partisipante kung saan ang walumpu’t walo (88) rito ay pawang mga micro-establishments.

Ang TAV ay sa ilalim ng DOLE’s Department Order No. 238, series of 2023, na nagsasaklaw sa mga micro-establishments na mayroong sampung (10) empleyado pababa, na naglalayon na pataasin ang compliance ng mga ito pagdating sa General Labor Standards, Occupational Safety and Health Standards, Productivity Toolbox, Child and Family Welfare Program, at iba pang polisiya at programa sa ilalim ng nabanggit na Kagawaran.

Ayon sa DOLE MIMAROPA, tumayong speaker sa TAV Program si Engr. Rhea J. Paitan, Senior Labor and Employment Officer
Sa pagpupulong, binigyang-diin nina Engr. Charity C. Cabral, Senior Labor and Employment Officer at Kim Neko C. Baña, Labor and Employment Officer III – ang paksang General Labor.

Samantala, ang paksang Salient Features on Department Order 198-18 ay ipinaliwanag din ni Bb. Anna Dominique C. Magbanua, Labor and Employment Officer III, na layong palawakin ang pang-unawa ng mga dumalo hinggil sa pakksang nabanggit.

Tinukoy rin ng mga partisipante ang ‘compliance gaps’ at bumuo ng mga action plans o hakbang na dapat gawin para mapunan ang mga gaps o pagkukulang sa mga paksang nabanggit.

Ang mga isinagawang action plan ay ang magiging basehan ng mga micro-establishments sa pagbalangkas ng mga estratehiya para maging compliant sa labor standards at mapataas ang kanilang productivity.

“The participants were assisted on how to comply with their noted gaps, particularly in formulating and implementing an OSH Program, having a designated Safety Officer 1 and Certified First –aider in the workplace,” ayon pa sa DOLE Mimaropa.