Ni Samuel Macmac
MULA sa 81 probinsya sa bansa, kabilang sa listahan ng grupo ng mga researcher ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST) ang lalawigan ng Palawan para sa isasagawang 2023 National Nutrition Survey (NNS).
Ayon Sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo, planong isagawa ang 2023 NNS sa 13 munisipyo ng Palawan na kinapapalooban ng 25 barangays at 384 na samabahayan na kung saan sa pamamagitan ng nasabing survey ay makakapagbigay ang grupo ng empirical data ukol sa nutritional health at health status ng mga Palawenyo.
Ikinalugod nina Provincial Nutrition Action Officer Rachel T. Paladan at Provincial Legal Officer Atty. Joshua U. Bolusa bilang kinatawan ni Gobernador Dennis M. Socrates ang layunin ng pagbisita sa Palawan ng nasabing grupo ng mga researcher sa ginanap na courtesy-call ng mga ito kamakailan.
Samantala, ang FNRI ay pangunahing institusyon para sa pananaliksik sa pagkain at nutrisyon sa bansa. Layunin ng DOST-FNRI na mapabuti ang kalusugan gayundin ang labanan ang malnutrisyon ng mga Pilipino sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan at ng mga paaralan.
Magsisilbing basehan ang mga datos at naisagawang pag-aaral para sa paggawa ng programa tungkol sa nutrisyon.