Ni Ferds Cuario
PALAWAN, Philippines — Matagumpay at opisyal nang sinimulan ang tatlong araw na iba’t ibang beach sports competition ng Philippine Beach Games 2024 sa Pakpak Lauin Beach Resorts, sa Barangay Bacungan, Lungsod ng Puerto Princesa, simula nitong Hulyo 12 na magtatapos bukas, araw ng Linggo, Hulyo 14.
Ito ay pinasinayaan ni Ginoong John Paul “JP” Demontaño, founder ng Philippine Beach Game, kasama si Ms. Eunice Helera, PR and Marketing staff ng nasabing organisasyon. Maliban dito, present din sa palaro sina Puerto Princesa City Tourism Department Head Toto Alvior at City Sports Director Atty. Rocky Austria.
Layunin ng aktibidad na makilala ang lungsod ng Puerto Princesa pagdating sa Sports Tourism at maipalaganap dinang Beach Sports sa bansa. Nilahukan ito ng mga atleta na miyembro ng iba’t ibang sports associations sa buong Pilipinas.
Samanatala, inaanyayahan ang mga Palaweño na manood at makisaya sa Philippine Beach Games na kung saan live na matutunghayan ang mga sporting events gaya ng Beach Volleyball, Beach Floorball, Air Badminton, Cornhole, Petanque, Beach Roundnet, Beach Flag Football, Beach Sepak Takraw, at Indoor Rowing.
Para sa schedule ng libreng sakay papuntang Pakpak Lauin Neach Resorts, tingnan ang larawan sa ibaba.