Ni Ven Marck Botin

PASADO ang labimpitong (17) mga iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan sa nakalipas na Nursing Licensure Examination nitong nakaraang buwan ng Mayo 2023.

Ayon sa ulat ng Provincial Information Office (PIO) ng Palawan, labinlimang (15) mga nakapasang bagong nurses mula sa Palawan State University o PSU ang nakapasa.

Ito ay kinabibilangan nina Tyron G. Arquero, Karla Yezzamae M. Calataje, Frelyn A. Dela Torre, Ma. Dennica S. Dellomas, Jezel May M. Galgarin, Kamille Kaye M. Gara, Princess DJ Ann P. Gerasmia, Rayven Jeremiah P. Irader, Jan Oscar P. Lagumbay, Jee-Ann Y. Lumayag, Maria Christina M. Pio, Sheena R. Tagle, Shania Mae V. Tan, Shiralyn A. Vigonte, at Althea Hernish D. Lopez, na mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Palawan.

Habang ang dalawa (2) namang nakapasa ay mula sa Holy Trinity University o HTU na kinabibilangan din nina Janelle F. Jagmany at Dorinna R. Baga.

Ang mga iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan ay kabilang sa ikatlong batch ng nursing scholars na tinulungan sa pamamagitan ng SPS- Alay sa Kabataan ‘Programang Pang-Edukasyon para sa Palaweño’.

Ang nasabing programa ay para makapagbigay ng “tulong sa mga karapat-dapat na mga estudyante na nais kumuha ng kursong medisina at iba pang medical-related courses gaya ng Nursing”.

Ayon din sa tanggapan, isa rin sa mga layunin ng programa ay “mapalakas ang sektor ng kalusugan sa lalawigan”.

Authors