Photo courtesy | Office of the Election Officer, City of Puerto Princesa

Ni Marie Fulgarinas

Inanunsiyo ng Tanggapan ng City Election Officer sa ilalim ng Commission on Elections o COMELEC na magkakaroon ng Special Satellite Registration para sa mga kapatid nating persons deprived of liberty o PDLs sa darating na buwan ng Setyembre sa mga piitan ng Lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan.

Batay sa iskedyul na ibinahagi ng opisina, nakatakdang magkaroon ng voters’ registration sa ika-5 ng buwan sa Panlalawigang Piitan sa Bgy. Bancao-Bancao habang sa ika-6 naman ng kaparehong buwan gaganapin ang aktibidad sa City Jail, Bgy. Sta. Monica, nabanggit na lungsod.

Kaugnay rito, magsisimula ang aktibidad sa ganap na alas-otso nang umaga (8:00 a.m.) na magtatagal hanggang alas-singko nang hapon (5:00 p.m.).

Ang kautusan ay aprubado ni City Election Officer Atty. Julius Nuestro Cuevas.