Photo courtesy | Girlie P. Orante

Ni Marie Fulgarinas

Nasira ang mga kabahayan at bangkang pangisda ng mga residente ng Sitio Cabadingan sa Barangay Beton, bayan ng Taytay, Palawan, bunsod umano ng pananalasa ng malakas na hangin at pag-uulan kaninang alas kuwatro (4:00 a.m.) ng umaga, Biyernes, Agosto 23.

Sa Facebook post, ibinahagi ni Ginang Girlie Paduga Orante ang umano’y pananalasa ng ipo-ipo o waterspout na nagdulot umano ng matinding trauma sa mga residente ng isla.

Aniya, dahil sa pananalasa ng malakas na hangin, nawalan ng tirahan ang ilan sa mga residente; nasira rin aniya ang mga panananim na apektado ng delubyo.

“Nakaranas po sila ng matinding lakas ng hangin ulan kulog at kidlat… may mga nasira pong mga kabahayan, mga bangka, at pananim. Sana po mabigyan agad ng attention ng mga kinauukulan dahil may mga nawalan po ng tirahan,” ani Orante.

Sa ngayon, nasa lugar na rin ang mga opisyales ng Barangay upang tiyakin ang maayos na kalagayan ng mga apektadong residente.

Author