Ni Marie Fulgarinas
Hinabol ng tropa ng Anti-crime at Puerto Princesa City Police Station 1 ang drayber at sakay ng gray Suzukin van na tumakas sa pinangyarihan ng banggaan sa harap ng isang painuman sa Barangay San Miguel nabanggit na lungsod bandang 11:29 ng gabi, Sabado, Agosto 24.
Sa ulat ng We R1 At Your Service, tinangkang tumakas at magpahabol ng drayber ng sasakyan at kasama nito na kinilalang sina Franz Lagrada at Fernando Opada, pawang nasa wastong gulang, residente ng Bgy. San Manuel at Tiniguiban, habang kinilala naman ang nabanggang biktima na si Arjay Jose.
Sa kuwento ng tropa, nagro-roving ang grupo nang makatanggap ng tawag ang mga ito mula sa 91 na mayroong naganap na banggaan sa harap ng nasabing painuman. Anila, mayroon na ring tropa ng pulisya sa lugar ngunit tumakas ang naturang sasakyan, nagpahabol at muntik pang makabangga ng ilang motorista sa kahabaan ng Rizal Avenue.
[P]agdating sa Rizal Ave, Jollibee corner Lacao, ay may hinagis ang mga suspect na mga bote ng alak at isang pouch na kulay itim. Ito ay tuluy-tuloy pa ring tumakas at dumiretso ito ng Recaido.
Pagdating ng Recaido, na-corner na ito dahil wala na itong madadaanan pa. Habang tumatakbo pa ng marahan ang van ay nagtangkang [tumakas muli] ang driver nito kung kaya nawalan ito ng kontrol at gumilid patungo sa pader. [Agad nating] binuksan ang pinto ng driver side para maging visible sa atin ang loob ng sasakyan dahil baka [mayroong] baril ang mga ito,” mula sa Facebook post ng tropa.
Inihayag pa ng tropa na nagtangka pa umanong tumakas at manlaban ang mga suspek ngunit nahuli ito ng mga awtoridad at agarang pinosasan.
Ibinigay na sa pangangalaga ng mga tauhan ng Police Station 1 ang mga suspek para sa tamang disposisyon ng mga ito.
Photo courtesy: We R1 At Your Service