Ni Samuel Macmac
TUMANGGAP ng award si Police Colonel Ronie S. Bacuel, ang kasalukuyang City Director ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), bilang Best Senior Police Commissioned Officer for Operations ng Police Regional Office (PRO) MIMAROPA Level.
Ang pagbibigay parangal at pagkilala ay isinagawa sa ginanap na 123rd Police Service Anniversary Celebration 2024, ayon sa tanggapan ng City Police.
Base naman sa pinakahuling ulat kaugnay sa weekly operational accomplishments ng pulisya nitong September 22 hanggang ika-28, sa ilalim ng pamumuno ni Bacuel, nakapagtala ng kabuuang pitong (7) indibidwal na may pananagutan sa batas ang kanilang naaresto na kung saan matagumpay na naaresto ang isang (1) Most Wanted Person, tatlong (3) Wanted Person, isang (1) Other Wanted Person, at inaresto naman ang isang (1) indibidwal na may pananagutan sa Republic Act 10863.
Lubos na nagpapasalamat si PCOL Bacuel sa tinanggap na parangal na sumasalamin sa dedikasyon ng mga police personnel sa ilalim ng kanyang pamumuno gayundin ang patuloy na pagtitiwala ng Pamahalaang Panglungsod sa pangunguna ni Mayor Lucilo R. Bayron at ng mamamayan ng lungsod ng Puerto Princea.
“This recognition serves as further motivation for me and team PPCPO to continue to fulfill our sworn duties with excellence and integrity. Rest assured that we will remain steadfast in our mission to uphold the law, promote peace, and work closely with the community in making Puerto Princesa a safer place to live, work, travel, and do business for all,” pasasalamat ni PCOL Bacuel.