Ni Samuel Macmac
FULL-FORCE na ang mga kapulisan mula sa Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) para masigurong ligtas at mapayapa ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidanto para sa Halalan 2025.
Ayon sa City police, sa ilalim ng pamumuno ni City Director Police Colonel Ronie S. Bacuel, kaniyang sinisiguro na handang-handa na ang mga kapulisan para sa matiwasay at maayos na coc filing period sa national and local election.
“Rest assured, PPCPO is fully prepared to address any potential threats to public safety,” ani PCOL Bacuel.
“The safety of our community is our top priority. With the cooperation of the public and our stakeholders, we are confident that we can maintain peace and order during this crucial period”, dagdag niya.
Hinihikayat naman ang publiko na makipag-ugnayan sa kapulisan, barangay officials, at volunteer groups, at isuplong ang anumang kahina-hinala na posibleng malagay sa kapahamakan ang seguridad at kapakanan ng komunidad.
Samantala, ayon sa Commission on Elections (COMELEC), binibigyan naman ang mga nais kumandidato ng hanggang ika-8 ng Oktubre 2024, sa ganap na alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, para magsumite ng kanilang certificate of candidacy para sa May 12, 2025 National and Local Elections (NLE).