GOOGLE PHOTO

Ni Imam Sonsong M. Camama/ Program Manager, City Muslim Affairs

Ang mahahalagang mga aralin para sa pamayanang Muslim

5. At kabilang din dito, ang pagpanata sa iba pa kay Allah, samakatuwid ang panata ay isang pagsamba, hindi ipinahihintulot na ibaling ito maliban kay Allah.

6. At kabilang din dito, ang paghingi ng tulong at pagpapakupkop sa iba pa kay Allah. Siya (Muhammad) ay nagsabi kay ibn Abbas: “At kapag ikaw ay humiling, humiling kay Allah. At kapag ikaw ay humingi ng tulong, hingin ang tulong ni Allah…” At sa pamamagitan nito napag-alaman nating ipinagbabawal ang manalangin sa Jinn (engkanto).

7. At kabilang sa nakasisira sa Tawheed ay ang labis na pagpipitagan sa Auliya’ at mabubuting tao, at ang itaas sila higit sa kanilang katayuan: At ito ay sa pamamagitan ng pagmamalabis sa pagdakila sa kanila o itaas ang kanilang katayuan sa katayuang antas ng mga Sugo o ipagpalagay na sila ay ligtas sa pagkakala.

8. At kabilang sa nagpapawalang saysay sa Tawheed ay ang pag-ikot sa palibot ng mga puntod, ito ay kabilang ng Shirk. At hindi ipinahihintulot ang pagdarasal sa puntod. Sapagkat ito ay nagsisilbing daan tungo sa Shirk. Kaya paano nalang kung sa kanya na mismo ibaling ang pagdarasal at pagsamba. Kupkupin nawa tayo ni Allah?!

9. At upang mapangalagaan ang Tawheed, dumating ang kabawalan sa pagpapatayo ng estraktura sa ibabaw ng mga puntod at italaga sa ibabaw nito ang kupola at mga Musque at ang pagpapalitada rito.

10. At kabilang sa nagpapawalang saysay sa Tawheed ay ang Sihr (panggagawa) at ang pagsadya sa kanila at hindi rin ipinahihintulot ang pagtatanong sa kanila o papaniwalaan silang mga Auliya’, mga Shaikh at katulad nito.

11. At kabilang sa mga nakasisira sa Tawheed ay ang At-Tiyarah (pagbasa sa mga masasamang pangitain), ito ay ang mga pagbabala sa pamamagitan ng mga ibon, araw, buwan o sa pamamagitan ng tao, ang lahat ng ito ay hindi ipinahihintulot. Samakatuwid ang Tiyarah ay Shirk ayon sa nakasaad sa Hadith.

(Itutuloy)