Kabuuang pitumpu’t anim (76) na mga sasakyan ang “apprehended” ng mga kawani ng City Traffic Management Office (CTMO) dahil sa paglabag sa local traffic rules and regulations ng Pamahalaang Panlungsod nitong Huwebes, Oktubre 10.
Impounded ang nasa dalawampu’t dalawang (22) mga sasakyan partikular ang siyam (9) na tricycle at labintatlong (13) mga motorsiklo bunsod ng walang kaukulang dokumento gaya ng prangkisa, Original Receipt, Certificate of Registration, at iba pa.
Patuloy pa ring isinasagawa ng CTMO ang operasyon kontra kolorum upang masawata ang pagdami ng mga sasakyang walang dokumento.