Photo Courtesy | PSWDO

PUERTO PRINCESA — Magkakaloob ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng ₱15,000.00 para sa mga adolescent mothers bilang livelihood assistance na makatutulong sa kanilang pamumuhay, ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo.

Sa talaan ng Philippine Statistics Authority (PSA), natukoy na mayroong sampung munisipyo sa lalawigan ng Palawan ang mayroong mataas na kaso ng teenage pregnancy.

Dahil dito, nilayon ng lokal na ahensya na mabigyan ang 109 adolescent mothers mula sa mga natukoy na munisipyo ng tulong pinansyal para sa kanilang pang-kabuhayan.

Tuturuan din ang mga ito ng simple accounting at bookkeeping gayundin ng pagkakaloob ng mahalagang impormasyon hinggil sa kahalagahan ng pag-iipon.

Ang mga naging benipisyaryo naman nito ay patuloy naman sinusubaybayan ng mga kawani ng PSWDO para masigurong nagagamit ng maayos ang kanilang livelihood assistance.

Samantala, batay sa ulat ng World Health Organization (WHO) sa taong kasalukuyan, mayroong tinatayang nasa 21 milyong pregnancies kada taon sa mga adolescents na nag-eedad 15 hanggang 19 taong gulang sa mga low at middle income na bansa.

Author