Photo courtesy |

Repetek News

Team

PUERTO PRINCESA — Sanib-puwersa ang mga tropa ng bansang Estados Unidos at Pilipinas na lumahok sa Kamandag Otso na ginanap sa Longpoint, Bgy. Apurawan, bayan ng Aborlan, Palawan, nitong araw ng Miyerkules, Oktubre 16.

Ayon kay Brigadier General Antonio Mangoroban Jr., hindi man mahaba ang paghahanda ng mga tropa ng Philippine Marine Corps at counterpart nito, naging matagumpay pa rin ang kanilang ikinasang Kamandag exercise.

“Generally, hindi naman ganu’n katagal, I think, we just rehearsed yesterday. Although, the planning… [the] conceptualization, probably, we took us around six (6) months to conceptualize everything but on the ground preparation, mga dalawang (2) araw lang,” ani Mangoroban sa panayam ng local media.

Sinabi rin ng opisyal na dalawang tropa lamang ang naririto sa lalawigan, ito ang tropa ng US Marine Corps at Philippine Marine Corps, na nagsanib-puwersa para pag-aralan ang makabagong teknik sa operational at combat skills.

Ayon pa kay Mangoroban, kasalukuyang nasa ibang bahagi naman ng Pilipinas partikular sa Batanes Island, Northern Luzon, at Central Luzon ang iba pang mga bansang kalahok sa Kamandag Otso.

Samantala, tinatayang 2,351 ang kabuuang bilang ng mga participants ang lumahok sa “Kaagapay ng Mandirigmang Dagat” o Kamandag exercise ngayong taon.

Author