Photo courtesy | DOST_PAGASA

Nakataas pa rin sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang mga bayan sa bahagi ng Northern Palawan kaugnay pa rin sa pag-iral ng Severe Tropical Storm Kristine na may international name na #TRAMI, ayon sa Tropical Bulletin Number 25 kaninang alas singko ng madaling araw (5:00 A.M), Biyernes, Oktubre 25.

Ang mga bayan na pinag-iingat dahil sa epekto ng Signal Number 1 ay mga bayan ng El Nido, Taytay, Araceli, San Vicente, Dumaran, Roxas, kasama ang Calamian Islands, Cuyo, at Kalayaan Islands.

Ayon sa ulat ng Pagasa, nanatili pa rin ang lakas ng #BagyongKristine habang namataan ito sa layong 125 kilometro mula Bacnotan, La Union, na kumikilos palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw. Ito ay inaasahang makakalabas ng PAR bukas ng tanghali, Oktubre 26, ngunit inaasahan namang liliko at babalik sa bansa sa mga susunod na araw.

Dagdag dito, nanatili pa rin ang lakas ng hangin na aabot sa 95 km/h malapit sa gitna, at may pagbugsong aabot sa 114 km/h. Tinatahak nito ng mabagal ang West Northwestward sa karagatang bahagi ng Northern Luzon.

Samantala, nanatili pa rin sa Signal No. 2 ang karamihan sa buong Mainland Luzon at Babuyan Islands. Nanatili namang signal number 1 ang ilang rehiyon sa Luzon at Visayas.

📸 Dost_pagasa

Author