PUERTO PRINCESA – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang unveiling at presentation ng commemorative stamps sa pagdiriwang ng ika-90 anibersaryo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Isinagawa ang aktibidad na may temang “Charity: A National Focus” sa Manila Hotel ng lungsod ng Maynila ng ika-30 ng Oktubre, taong kasalukuyan.

Malugod na binati ng Pangulo ang patuloy na pagkakaloob ng PCSO ng tulong sa mga Pilipinong nangangailangan na umabot na sa loob ng halos isang siglo, ayon sa Malacañan.

“Nine decades- almost a century of hope, a lottery of chances, and a whole lot of dreams funded, healed, and realized,” pahayag ng Pangulo.

Kabilang sa mga programa ng PCSO na patuloy na naghahatid ng pag-asa sa buhay ng mga Pilipino ay ang Medical Assistance Program, at ang Medical Transport Vehicle Donation Program, at iba pa.

Base sa impormasyon mula sa PCSO, naipamahagi ang 1,000 ‘Charitimba’ na naglalaman ng mga food packs para sa mga naging biktima ng bagyong Carina sa Bongabong, Oriental Mindoro, nitong nakalipas na buwan ng Setyembre 2024 gayundin ang isinagawang libreng medical at dental services sa bayan ng Roxas ng nasabing probinsiya na kung saan nasa 231 residente ang nakatanggap ng nasabing serbisyo.

Solo namang napanalunan ng 60-taong gulang na mananaya mula sa probinsiya ng Romblon ang P17,567,700.60 milyon sa Mega Lotto 6/54 jackpot, at masayang nakuha ang panalo nitong nakalipas na buwan ng Hulyo 2024 sa PCSO Main Office sa Mandaluyong.

Nagpagkalooban naman ang Barangay Binakasin Lubang, Occidental Mindoro, ng mga medical equipment na kinabibingan ng glucometers, thermal scanners, BP apparatus, pulse oximeters at mga wheelchair nitong nakalipas na buwan ng Mayo, taong kasalukuyan.

Tumanggap naman ng 500 food packs ang Munisipyo ng Sta. Cruz, Marinduque na ipinamahagi naman mahihirap na residente, senior citizens at Persons with Disabilities sa nasabing lugar.

via Samuel Macmac

#RepetekNews