Pansamantalang isasara sa publiko ang RVM Sports Complex Oval simula ngayong araw, Huwebes, Nobyembre 7, bilang paghahanda sa Batang Pinoy National Championships at BIMP-EAGA Friendship Games na parehong isasagawa sa lungsod, ayon sa tanggapan ng City Sports Puerto Princesa.
Ang Batang Pinoy ay gaganapin sa Nobyembre 23 hanggang ika-28 ng buwan. Habang ang ika-11th BIMP-EAGA o Brunei Darussalam–Indonesia–Malaysia–Philippines East ASEAN Growth Area Friendship Games ay gaganapin sa darating na Disyembre 1 hanggang ika-5 ng buwan.
Ang mga sports event na nabanggit ay inaasahang magdadala ng libu-libong mga atleta at bisita sa Puerto Princesa.
Matatandaan, sa mga naunang pahayag ni City Sports Director Atty. Rocky Austria, ito ay bahagi ng Sports Tourism Program ng lokal na pamahalaan na layuning makatulong mas paunlarin ang ekonomiya ng Puerto Princesa.