Photo courtesy | DAR File Photo

PUERTO PRINCESA — Nagsagawa ang Department of Agrarian Reform (DAR) | ng orientation meeting para sa SPLIT Project team upang ipaliwanag sa dalawampung (20) mga newly hired contractual employees na tutulong sa pagsulong ng pag-subdivide ng collective Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) sa mga benepisyaryong indibidwal sa lalawigan.

Ginanap ang talakayan sa DAR Provincial Office Palawan sa lungsod ng Puerto Princesa nitong Nobyembre 5.

Ang nasabing hakbang ay naglalayong pabilisin ang pamamahagi ng lupa at bigyang kapangyarihan ang mga benepisyaryo ng repormang agraryo.

Nagsilbing plataporma ang pagpupulong para sa paghahanay ng mga layunin, pag-set up ng sistemang pagsubaybay, pag-uulat, at pagpapatibay ng pagtutulungan ng lahat ng kawani ng PPMO.

Iginit ng ahensiya na nalampasan ng Palawan ang target number ng validation at parcelization sa nakalipas na dalawang taon. Patuloy rin na isinusulong ng ahensiya na ipamahagi ang natitirang bilang na humigit-kumulang 1,700 ektarya ng ari-arian sa mga kwalipikadong benepisyaryong Palaweño.