Photo courtesy | PIO Palawan

Rehistrado na bilang pharmacists ang apat (4) na Palaweño na pawang mga iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan matapos makapasa sa Pharmacists Licensure Examination ngayong Nobyembre 2024.

Ayon sa Kapitolyo, nagmula sa bayan ng Quezon ang dalawa na sina Krystal May Joy Verdeflor at Kyla Krizia P. Alimane habang sina Kisha Sharonne M. Escaño at Victor Ivan B. Gonzales ay mula sa bayan ng Narra at Brooke’s Point, Palawan.

Sa tulong ng scholarship program ng Kapitolyo, nakakapagbigay iyo ng tulong edukasyon sa mga karapat-dapat na mga estudyanteng nais kumuha ng kursong medisina at iba pang medical related courses katulad ng Bachelor of Science in Pharmacy.

Ang nabanggit na iskolar ay tinulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng SPS Alay sa Kabataan Program.

Kaugnay rito, layunin din ng scholarship na patuloy na palakasin ang sektor ng kalusugan sa lalawigan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga bago at mahuhusay na medical professionals na inaasahang maglilingkod sa mga ospital na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan bilang pagbabalik-serbisyo sa mga Palaweño.

Ayon kay SPS Alay sa Kabataan Program Manager Maria Victoria B. Baaco, ang mga bagong iskolar na nakapasa ay kabilang sa ikatlong batch ng BS in Medical Pharmacy kung saan ay mayroon nang kabuuang siyam (9) na iskolar ang matagumpay na nakapasa sa nasabing eksaminasyon simula sa unang batch ng programa.

Author