Ni Ven Marck Botin
ISINAGAWA nitong nakaraang ika-14 ng buwan ng Hunyo ang libreng skills training ng dalawampu’t apat (24) na mga Persons Deprived of Liberty o PDLs mula sa Puerto Princesa City Jail Male Dormitory na hatid ng tanggapan ni 3rd District Representative Edward S. Hagedorn at Technical Education System and Development Authority (TESDA) Palawan.
“Layunin ng training na mabigyan ng oportunidad ang mga kapatid na bilanggo upang ma-develop ang kanilang skills sa sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) bilang paghahanda sa oras na makabalik sila sa normal na pamumuhay,” saad ng tanggapan.
Photo//Edward S. Hagedorn Official Fb Page
“Ang TESDA National Certification na kanilang makakamit sa pagtatapos ng training ay magiging kagamit-gamit sa paghahanap nila ng bagong karera o trabaho,” dagdag nito.
Samantala, nagpasalamat naman ang tanggapan ni Cong. Hagedorn sa mga ahensyang kabalikat nito.