Hinimok ng samahan ng Sambilog-Balik Bugsuk Movement ang bagong Miss Universe na si Victoria Theilvig ng bansang Denmark na lumaban para sa mga katutubo ng bayan ng Balabac, Palawan.

Sa open letter ng grupo nitong Nobyembre 18, hinikayat ng samahan si Theilvig na gamitin ang kaniyang impluwensya at plataporma upang tumindig para sa mga katutubong biktima ng pang-aapi at pang-aabuso laban sa mga malalaking korporasyon partikular sa korporasyong nasa likod ng pagsuplay ng mga perlas na ginamit sa bagong korona ng Miss Universe.

“[W]e call on your platform and influence to shine a light on an urgent and critical issue affecting marginalized communities in the Philippines.”

“Your crown, while a beacon of triumph, carries pearls tied to the suffering of Indigenous Peoples in Bugsuk Island, Balabac, Palawan. These ‘blood pearls,’ sourced from waters controlled by powerful corporations, are products of decades of exploitation, displacement, and violence against the rightful stewards of these lands,” nilalaman ng liham.

Ayon pa sa liham, pilit na pinaaalis ng mga korporasyon sa pamamagitan ng pananakot at pananakit ang mga katutubong naninirahan sa Bugsuk at Pandanan Island.

“[T]housands of Indigenous Peoples were forcibly removed from their ancestral territories… Today, corporations like San Miguel and Jewelmer continue to control and profit from these lands and waters, leaving Indigenous Peoples dispossessed and vulnerable,” ayon pa sa liham.

Inihayag din ng grupo ang mga paglabag sa karapatang pantao dahil sa paulit-ulit na panghaharas sa mga mangingisdang nakikipagsapalaran sa mga controlled-buoys “covering thousands of hectares of ancestral waters” na kontrolado ng nabanggit na mga kompanya.

“Armed guards intimidate families defending their homes and livelihood in Mariahangin Island, part of Bugsuk,” ayon pa sa liham.

Maliban sa liham naglabas din ng petisyon ang grupo upang hikayatin ang publiko na panagutin ang mga korporasyon mula sa mga human rights violations at maibalik ang mga katutubong Molbog at Palaw’an ang ancestral waters and lands.

via Marie Fulgarinas,

Repetek News

Author