Isasara na ang “maximum, medium, at minimum security compounds” ng New Bilibid Prison (NBP) at ililipat sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) ang karamihan sa 25,463 persons deprived liberty o PDLs, ang inanunsiyo ni Bureau of Corrections (Bucor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. nitong ika-119 taong anibersaryo ng ahensya.

“For your advance information, itong New Bilibid Prison, we will close down ‘yong maximum, minimum, medium; ililipat na natin…’yong New Bilibid prison Muntinlupa will be transferred to New Bilibid Prison Palawan,” pahayag ng opisyal.

Ayon kay Catapang, Reception and Diagnostic Center o RDC na lamang ang maiiwan sa Muntinlupa kung saan dito ipoproseso ang pag-transfer ng mga new inmates bago isasama ang mga ito sa kabuuang populasyon ng mga bilanggo.

“Mag-iiwan lang tayo rito ng RDC, and of course, pati ‘yong CIW [Correctional Institution for Women] ay ililipat na rin natin sa Palawan – nagsisimula na tayong maglipat,” ani Catapang.

Author