Nakamit ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Bayan ng Bataraza ang “Panata Ko sa Bayan Awards” mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA nitong nakalipas na Nobyembre 14 sa Ramada Manila Central, Santa Cruz, Maynila.
Ito ay resulta ng kanilang pagkilala sa 2022-2023 Service Delivery Capacity Assessment (SDCA), kung saan nakakuha ang opisina ng tatlong mga parangal: Gawad Serbisyong Mapagkalinga, Gawad Serbisyong Masigasig, at Gawad Serbisyong Matapat.
Patunay na ang MSWDO ng Bataraza ay patuloy na sumusunod sa kanilang mandato na magbigay ng serbisyo sa komunidad partikular sa mga mahihirap at mahinang sektor ng lipunan.
Ang “Panata Ko sa Bayan Awards” ay naglalayong magbigay ng inspirasyon sa mga indibidwal, grupo, at organisasyon na maglaan ng oras, mapagkukunan, at sarili upang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo at lumikha ng mas magagandang pagkakataon sa iba’t ibang sektor.
Ang pagkilalang ito ay mahalaga sa pagtulong sa DSWD sa pagtupad sa kanilang mandato na mapabuti ang buhay at magbigay ng mas magandang pagkakataon para sa mga mahihirap at mahinang sektor ng lipunan.