Samu’t saring medical services ang ipinagkaloob sa mga residente ng bayan ng Narra nitong nakalipas na Biyernes, Nobyembre 22, na ginanap sa covered court ng nabanggit na bayan.
Layuning mailapit ng Kapitolyo sa mga Palaweño ang libreng serbisyong medikal mula sa mga bihasang doktor ng Provincial at Municipal Health Office.
Ipinagkaloob ang libreng bitamina, libreng konsultasyon, dental services, at libreng mga gamot. Maliban dito, nagkaloob din ng libreng legal advice, libreng gupit, at pagkuha ng National ID.
Dumalo ang mga kinatawan ng Philippine Statistic Authority (PSA), Provincial PESO, Provincial Veterinary, Provincial Legal Office, SSS, AFP, at Philhealth, para ikasa ang united free government services.