#MetroNews | Ipinagmamalaki ng Pamahalaang Panglunsod ng Puerto Princesa sa pangunguna ni Action Man Mayor Mayor Lucilo R. Bayron ang mga proyekto sa iba’t ibang barangay na nagkakahalaga ng kabuuang ₱682,797, 336.61.
Sa ilalim ng administrasyon, pinasisimulan na ang labindalawang (12) proyekto sa pamamagitan ng groundbreaking ceremony, ayon sa tanggapan ng impormasyon ng Pamahalaang Panglungsod.
Ito ay mga sumusunod: Konstruksyon ng Makirawa Wharf sa Brgy. Tagabinet (P15,699,282.18); Konstruksyon ng New City Cemetery Phase V sa Brgy. Sta. Lourdes (P29,256,800.00); Replacement/Concreting of Sampaloc Road with Drainage System sa Brgy. San Jose (P36,556,228.73); Repair/Repainting ng Main Grandstand Basement Office ng Ramon V. Mitra Sports Complex ng Brgy. Sta. Monica (P12,579,970.00).
Dagdag dito, naisakatuparan din ang Concreting/Opening and Gravelling of Sta. Lucia Environmental Estate Road Networks sa Brgy. Sta. Lucia (P149,678,110.65); Konstruksyon ng Public Market sa Irawan Agricultural Center ng Brgy. Irawan (52,282,287.41); Improvement of Puerto Princesa Baywalk (Powerhouse and Underground Power Supply/Line Cabling (P38,857,000.00); at Improvement/Concreting of Baywalk Road Networks sa Brgy. Mandaragat (P48,747,455.59).
Kabilang din ang pagpapatayo ng mga three-storey 9-clasroom building sa Manuel Austria Memorial Elementary School ng Brgy. San Manuel (P38,509,702.73); three-storey 9- classroom school building sa Tiniguiban Elementary School ng Brgy. Tiniguiban (P38,347,579.12); at three-storey 9- classroom building sa Valentin Macasaet Memorial Elementary School ng Brgy. Irawan (P38,464,254.95).
Samantala, natapos na at napasinayaan na ang labintatlong (13) malalaking proyekto na kinabibilangan ng Rehabilitation of Farm-to-Market Road (concreting of barangay site road) sa Brgy. Tagabinet (P6,596,392.05); Konstruksyon ng Covered Gym sa Employees Village ng Brgy. San Jose (P9,619,875.34); Konstruksyon ng New Muslim Cemetery Perimeter Fence sa Brgy. San Jose (P2,112,906.40); Konstruksyon ng Drainage System mula NAPOCOR Road papuntang San Manuel Sea Road II ng Brgy. San Manuel (P18,479,285.20); Konstruksyon ng Covered Gym sa Tiniguiban Elementary School ng Brgy. Tiniguiban (P9,620,562.81); Pagpapasemento ng Arcinas Road na may drainage system katabi ng Provincial PNP Station ng Brgy. Tiniguiban (P13,508,833.81); Konstruksyon ng Standard Day Care Center [P5,609,340.78); Completion of Irawan Agri-Trading Center Fence sa Brgy. Sta. Lucia (P6,707,110.65); Concreting of Access Road to Martha Ville Subdivision sa Brgy. Irawan (P9,891,825.70); Concreting of VISAPA Road 1 with Drainage System sa Brgy. Irawan (9,742,009.29); Concreting/Completion of FMR from Purok Anonang to Purok Star Apple sa Verosel (P26,634,252.46); Replacement/Concreting of Manalo Extension Phase 1 mula Fernandez to Abrea Road (P29,889,251.80); at pagpapa-asphalt overlay ng Burgos Street sa Brgy. Masikap/Tagumpay/Malvar-Manalo (P9,260,801.89).