Nasungkit ng Philippine National Police Athletics Team ang first runner-up sa ginanap na 2nd Philippine Masters International Athletics Championships 2024.
Umabot sa dalawampu’t limang (25) koponan ang naglaban para sa nasabing larong pampalakasan na sinalihan ng mga bansang USA, Malaysia, Japan, Indonesia, Singapore, Canada at India na isinagawa sa Philsports Track and Field Oval na ginanap sa Pasig City nitong nakalipas na ika-8 hanggang ika-10 ng nobyembre, taong kasalukuyan, ayon sa impormasyon ng kapulisan.
Ang mga medalyang naiuwi ng PNP athletics team ay 32 golds, 17 silvers, at 15 bronzes para sa mga larong sprints, long jump, triple jump, javelin, throw, at relays.
Nag-courtesy call naman kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil ang PNP athletics team sa pangunguna ni PLTCOL Imelda M. Reyes ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa PNP Star Lounge, National Head Quarters building, Camp Crame sa Quezon City nitong Nobyembre 22.
Ang kahanga-hangang achievements ng PNP athletics team ay patunay sa patuloy na pagsusumikap pagdating sa disiplina, teamwork at excellence na sumasalamin sa kanilang vision na “Mahusay, Matatag, at Maaasahan na Kapulisan.”
“Team PNP’s outstanding performance at the Philippine Masters International Athletics Championships not only demonstrates their athletic powers but also embodies the resilience and determination that define the Philippine National Police. Their success is a source of pride for the entire organization and Filipino people,” ani PGEN Marbil.
Samantala, hindi lamang sa katapangan at kakayahang protektahan ang ating komunidad kilala ang ating mga kapulisan dahil kayang-kaya rin mag-excel ng mga alagad ng batas sa larangan ng sports mapa-bata man o matanda.