PUERTO PRINCESA – Isinusulong ng Kagawaran ng Kalusugan o Department of Health (DOH) na mas paigtingin pa ang kampanya sa early screening and detection upang maagapan nang maaga ang tumataas na kaso ng breast cancer.
Kamakilan, inilunsad sa Western Visayas Medical Center (WVMC) sa Iloilo City, ang Breast Cancer Early Detection Services bilang bahagi ng malawakang kampanya ng DOH kaugnay ng breast cancer.
Ayon sa datos ng Kagawaran, umabot na sa 33,079 ang naitatalang kaso ng breast cancer sa bansa ngayong taong 2024 kung saan nakapagtala ng 17.5% bagong kaso nito.
Anila, kinikilala ng kagawaran ang hakbang ng WVMC na magkaroon ng sariling pasilidad na maghahatid ng serbisyo gaya ng Diagnostics hanggang Therapeutic services mula sa iba’t bang cadre ng healthcare workers kabilang ang mga Gyne specialists, Pediatric oncologists, at Hematologists.
“Let’s ensure that the women in our lives know the importance of regular breast screenings. If breast cancer is found early, the chances of survival are much, much higher,” ani Secretary of Health Dr. Ted Herbosa.
Nitong buwan ng Oktubre, isinagawa ang Breast Cancer Awareness Month na layuning ituro ang mga palatandaan at sintomas ng kanser sa suso at mga paraan ng pag-iwas dito, kabilang ang kung paano magsagawa ng pagsusuri sa sarili, kung paano i-access ang wastong screening, at ang kahalagahan ng regular na mammograms.