Photo courtesy | City Information Office

Muling naging host ang lungsod ng Puerto Princesa nang Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) ngayon taon.

Nagtipon ang mga lider, diplomatiko, mga stakeholder sa negosyo, at mga pangunahing kinatawan mula sa apat na bansa upang talakayin ang mga mahahalagang isyu ng regional na kooperasyon at mga layunin sa ekonomiya.

Nagsimula ang seremonya sa makulay at masiglang parada ng mga delegado, kasunod ang isang inspiradong talumpati mula kay City Mayor Lucilo R. Bayron, na nagbigay-diin sa komitment ng Puerto Princesa sa regional integration and sustainable development.

Binigyang pansin din ang mga oportunidad sa ekonomiya at ang magkakasamang kasaganaan na layunin ng BIMP-EAGA.

Sa kanilang mga pangunahing talumpati, tinalakay nina Philippine Sports Commission Chairman Richard E. Bachmann, Head of BIMP-EAGA Facilitation Center Dr. Susan Pudin, at Assistant Secretary Romeo Montenegro, kinatawan ni Secretary Leo Tereso A. Magno ng Mindanao Development Authority ang kahalagahan ng BIMP-EAGA bilang isang makapangyarihang plataporma para sa kalakalan, pangangalaga sa kapaligiran, at pagpapalakas ng mga ugnayang kultural at diplomatiko sa buong Timog-Silangang Asya.

Ang pinakamahalagang bahagi ng kaganapan ay ang seremonyal na pagpapailaw ng torch na sumisimbolo ng pagsisimula ng mga sama-samang pagsisikap na maghuhubog sa hinaharap ng mga bansang BIMP-EAGA. Nakilahok ang mga delegado sa lively cultural performances na nagpakita ng yaman at pagkakaiba-iba ng kultura ng bawat bansang kalahok, na nagbigay ng isang makulay at masayang social activities.

Dagdag pa rito, opisyal na binuksan ang BIMP-EAGA 2024 Friendship Games kung saan ang mga atleta mula sa apat na bansa ay lumahok sa isang serye ng mga paligsahan sa sports na magtatagal hanggang Disyembre 5.

Layunin ng Friendship Games na palakasin ang pagkakaibigan at pagkakaunawaan sa pamamagitan ng sports, at lalo pang pagtibayin ang ugnayan ng mga bansang BIMP-EAGA.

Author