Bagong pag-asa ang hatid ng kabuhayang turmeric tea production para sa pagsisimula ng bagong-buhay ng mga former rebels na nagbalik-loob sa pamahalaan.
Ayon sa Philippine Information Agency Zamboanga, nasa tatlumpu’t walong (38) former rebels ang binigyan ng magandang oportunidad ng military at pamahalaan matapos sumuko ang mga ito.
Abala na sa paggawa, pagprodyus at pagbebenta ng turmeric tea ang mga former rebels bilang bagong pinagmumulan ng kanilang pamumuhay. Tinawag ang grupo na Community Integration Feliciano Alpha Bravo-13 Producers Cooperative (CIFAB-13 PROCO).
Lubos na nagpapasalamat ang CIFAB-13 PROCO sa tulong at suporta na ipinagkaloob ng mga ahensya ng pamahalaan, local government units at military para sa kanilang pagbabagong-buhay para maging mga produktibong mamamayan.
Tinuran ni Ginoong Antonio Dialagdon Roda, President, CIFAB-13 PROCO na ang kanyang maituturing na pinakamahalaga para sa kanyang buhay ngayon ay ang pagiging malaya.
Patuloy naman tumutulong ang military sa pagpapalago ng market ng organisasyon sa pamamagitan ng kanilang produkto sa mga ospital, officers, mga kompanya, brigades at division.
Dahil dito, nagkaroon din ng pagkakataon ang grupo na tumungo sa Maynila para i-market ang kanilang produkto at makapag-apply sa approval ng Food and Drug Administration (FDA).