Tinatayang nasa P50,000.00 ang halaga ng pinaghihinalaang shabu na nakumpiska ng pulisya mula sa pangangalaga ng naarestong High Value Individual (HVI).

Batay sa police report, matagumpay na nadakip ang drug suspek sa ikinasang drug buy-bust operation sa Gasan, Marinduque.

Nakuha sa drug suspek ang tatlong (3) pakete ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 10.7 gramo sa pamamagitan ng police operation. Ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Gasan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Reynaldo M. Lozanta, Officer-in-Charge ng Gasan MPS, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Police Intervention Unit (PIU), MPPO, CIT-RID-4B, PDEA Marinduque, SWAT, PMFP Marinduque, Buenavista MPS at Fist Platoon PMFP.

Nahaharap ang drug suspek sa paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasalukuyan naman inihahanda ang suspek at haharap sa Office of the Provincial Prosecutor para sa tamang disposisyon.

Author