Sa bisa ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) 4B Wage Order No. RB-MIMAROPA-12 na may petsang 27 Nobyembre 2024, magkakaroon ng Php35 na karagdagang umento sa daily minimum wage para sa mga trabahante sa private sector sa nabanggit na rehiyon.

Sakop ng kautusan ang mga kompanya na mayroong sampung (10) trabahante pataas. Ang dating minimum wage na Php395 ay magiging Php430 na araw-araw. Habang ang mga kompanya na mayroong trabahante na sampu (10) pababa ay magiging Php404 Mula sa dating Php369.

Sa bisa naman ng Wage Order RB-MIMAROPA-DW-05, dagdag na Php 1,000 sa buwanang sahod ng mga kasambahay mula sa dating Php5,500.

Kaugnay rito, mag-aabiso rin ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko ng bagong iskedyul ng kanilang hotline para sa agarang aksyon at sagot sa mga labor concerns — ang DOLE Hotline 1349: ay mula Lunes hanggang Biyernes (mula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi).

Maaari ring magpadala ng direktang mensahe sa DOLE Facebook Page, https://www.facebook.com/laborandemploymentph/ o email sa [email protected] at isaad ang inyong pangalan, address, contact number, at katanungan.

Samantala, alinsunod sa Data Privacy Act of 2012, ang mga impormasyon na inyong ibibigay ay ituturing na lubos na kompidensiyal.

Author