Walong Local Government Units (LGUs) sa rehiyong MIMAROPA ang ginawaran ng prestihiyosong SubayBAYANI Award na ginanap sa Sequoia Hotel, Aseana City, Paranaque, nitong ika-3 ng Disyembre, taong kasalukuyan.

Ang mga itinanghal na Exemplar na LGUs sa MIMAROPA ng taong 2024 ay mga sumusunod: sa Provincial level ang mga probinsya ng Marinduque; Occidental Mindoro; at Oriental Mindoro.

Kinilala sa City level ang mga lungsod ng Puerto Princesa at lungsod ng Calapan.

Sa Municipal level ang mga munisipalidad ng Buenavista, Marinduque; Gasan, Marinduque; at Looc, Occidental Mindoro.

Ang SubayBAYANI Award ay inorganisa ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kumikilala sa mga outstanding LGUs para sa kanilang mahusay na pagganap sa pagpapalaganap ng mabuting pamahalaan lalo na sa mga aspeto ng lokal na imprastraktura, ayon sa impormasyon.

Ito ay pagbibigay-pugay sa pagsisikap na mapabuti ang imprastraktura, palakasin ang pag-usad ng kanilang komunidad, at magpatuloy sa pangarap ng isang matatag, maginhawa, at patuloy na buhay para sa lahat ng Pilipino.

Bukod dito, kinilala naman na isa sa Top 3 Overall Performers sa buong bansa ang Local Government Unit ng Buenavista, Marinduque (Municipality Category), at ang Provincial Government ng Occidental Mindoro (Provincial Category).

Author