Photo courtesy | Repetek

Libu-libong mga Palawenyo ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS, isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang pamamahagi ay isinagawa kahapon, Disyembre 8, kung saan mahigit 20K mga Palawenyo mula sa tatlong distrito ng lalawigan ang nabenepisyuhan nito.

Ang maagang pamasko sa mga Palaweño o ay naisakatuparan sa tulong ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Pinoy Workers Partylist.

Unang namahagi ng tulong sa munisipyo ng Roxas at El Nido nitong nakalipas na ika-7 ng Disyembre. Alinsabay naman ng pamamahagi sa Puerto Princesa; namahagi rin ng AICS sa Rizal, Palawan, kahapon.

Tinatayang 100 milyong piso ang inilaang pondo sa programa kung saan ang bawat kwalipikadong indibidwal ay nakatanggap ng P5,000.