Photo courtesy | PPCPO

Matagumpay na naaresto ng mga kapulisan ng lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan ang 36 indibidwal na lumabag sa batas sa isinagawang isang linggong police operations.

Ang mga naarestong inidibidwal sa lungsod at lalawigan ay binubuo ng anim (6) Most Wanted Persons; labintatlong (13) Wanted Persons; dalawang (2) katao naman ang dinakip dahil lumabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” sa ikinasang drug buy-bust operations; at sampung (10) katao naman ang inaresto dahil sa iligal na pangingisda.

Kalaboso naman ang limang (5) katao matapos maaresto ng kapulisan dahil sa iligal na pagtotroso na kung saan nakumpiska ang nasa tinatayang halaga na P1,837.00, at may haba na 52.5 board feet.

Ang pagkakaaresto sa mga indibidwal na lumabag sa batas ay isinagawa nitong ika-1 hanggang ika-8 ng Disyembre, taong kasalukuyan.

Ipinangako naman ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) sa pamumuno ni Police Colonel Ronie S. Bacuel, City Director, at Palawan Provincial Police Office (PPO) sa pamumuno ni Police Colonel Carlito A. Narag Jr., Provincial Director, na patuloy na tutugisin ng kapulisan ang mga indibidwal na lumalabag at nagtatago sa batas lalo’t higit ang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lungsod at sa lalawigan.

Author