Ni Clea Faye G. Cahayag
IPINAPABATID sa publiko ng pamunuan ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD) na simula ngayong buwan ng Hulyo ay mahigpit na nilang ipapatupad ang Disconnection Policy.
Ayon sa pamunuan, maaaring maputulan ng serbisyo ng tubig ang mga konsumidores na mayroong tatlong buwan o higit pa na arrears.
“Amin pong ipinararating na simula sa buwan ng Hulyo ay maghihigpit na ang ating opisina sa pamumutol sa mga account na may tatlong (3) buwang o higit pang arrears,” pahayag ng ahensya.
Paalala pa sa publiko upang maiwasan ito, mainam na magbayad ng maaga.
Maaaring magbayad ng water bill sa mga sumusunod: PPCWD Sta. Monica Main Office, PPCWD Rizal Office, PPCWD Sta. Monica Drive-Thru, GCash, SM Bills Pay, Palawan Pawnshop, EC Pay, at MLhuillier.
Para naman ma-monitor ang status ng inyong account, i-download lamang ang PPCWD Mobile Application sa Google Play Store.
Para sa iba pang impormasyon o katanungan, tumawag o mag-text sa mga numerong 09173105282 at 09615867294.