Ni Ven Marck Botin
ISASAGAWA ng National Nutrition Council (NNC) MIMAROPA ang pagdiriwang ng National Nutrition Month na may temang “Healthy Diet, Gawing Affordable for All!”, sa Lungsod ng Puerto Princesa, bukas, ika-6 ng Hulyo, araw ng Huwebes.
Sa Virtual Presser ng Philippine Information Agency (PIA) Region 4B, tinalakay ni Ma. Eileen Blanco, NNC MIMAROPA Nutrition Program Coordinator, ang mga nakalinyang programa at aktibidad sa isasagawang pagdiriwang sa lalawigan ng Palawan na kung saan binigyang-diin nito ang kahalagahan ng kamalayan ng mga Pilipino ukol sa pagpapaunlad ng “access to affordable healthy diets”
Aniya, ang kampanyang nutrition month ay naglalayong pataasin ang “awareness on supporting Filipinos to improve access to affordable healthy diets to reduce malnutrition, and improve food security, health, and quality of life”.
Iminungkahi rin ni Blanco ang pagkakaroon ng ‘community food gardens’ para sa karagdagang ‘source of food’. Mahalaga rin aniya ang pagbili ng mga produktong agrikultura mula sa mga lokal na magsasaka.
“Malaki po ang tipid kapag may sarili tayong backyard garden lalo na when there are times na expensive ang mga gulay, kung may sarili tayong [vegetable] garden makakatipid tayo kasi ‘yun ang gagamitin nating gulay na ating ihahain. Let’s also love our own [produce], buy food from local farmers,” ani Blanco.
Ang Nutrition Month ay taunang isinasagawa sa Pilipinas na ginaganap kada buwan ng Hulyo na ang layunin ay pataasin ang kamalayan at kahalagahan ng tamang nutrisyon ng bawat mamamayang Pilipino.
Ayon sa Presidential Decree 491 nang taong 1974 o mas kilalang “Nutrition Act of the Philippines”, binigyang mandato ang National Nutrition Council (NNC) na pangunahan kampanyang ito