Photo courtesy | BDO
PUERTO PRINCESA — Inihayag ni DepEd-National Capital Region Regional Director Jocelyn Andaya na may mahalagang papel ang mga guro sa pampublikong paaralan sa pagtuturo ng financial literacy sa kanilang mga estudyante.
Sa pamamagitan ng patuloy na suporta ng Department of Education (DepEd) at Banco de Oro (BDO) Network Bank, makikinabang aniya sa inisyatibang ito ang mga guro mula pampublikong paaralan partikular na sa pagkakaloob sa kanila ng kaalaman pagdating sa pananalapi upang matulungan silang makamit ang kanilang mga personal na layunin.
“Here in DepEd, we’re looking for ways to train our teachers on financial literacy because they can’t teach that to their students if they themselves don’t know anything about it.”“Our teachers play a very crucial role in teaching financial literacy to our students. It’s important that at a young age, they (students) are already taught to be self-sufficient financially and know how to budget and plan for their future,” ani DepEd-National Capital Region Regional Director Jocelyn Andaya.
Para sa maraming guro, ang pagkakaroon ng financial literacy ay nakakatulong sa kanila na magsanay ng disiplina sa pananalapi at gumawa ng tamang mga desisyon sa pagbabadyet, pag-iipon, at pamamahala ng kanilang utang.
Nakatutulong din ang kaalamang ito sa pag-iwas sa mga pagkakabaon sa mga utang dahil mas nagagawa nilang pamahalaan at iprayoridad ang kanilang mga gastusin.
Mahalaga rin ang praktikal na pagbabadyet upang malaman ng mga guro kung saan napupunta ang kanilang pera sa bawat buwan; malaking tulong din ito na maibsan ang labis na stress ng mga guro pagdating sa financial management.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa pananalapi, ang mga guro ng pampublikong paaralan ay maaari ring magbigay ng mga diskarte sa kanilang mga mag-aaral ukol sa pamamahala ng pera.
“Our next plan is to come up with an instrument to measure what level our teachers are at right now in terms of their own financial literacy. That’s where the private sector, such as BDO, can come in to help us not just by having more modules but by also capacitating our teachers. It should be a sustainable thing for us so that we will know the progress in, say, three years’ or five years’ time,” dagdag pa ni Andaya. “We believe that a financially sound teacher can function and be very efficient. Teachers who have many financial problems are the ones who get bogged down and can’t teach very well because there are many things in their minds,” aniya.
“The financial literacy program is helping them be more efficient. I think the most important thing that we promote to teachers is responsible borrowing and financial wellness. Every time we have an opportunity, we give them a little talk on financial wellness, how to achieve their financial goals by managing their money well, and knowing the difference between a good loan and bad loan.”
Ang pag-iipon para sa mga layunin sa hinaharap ay nagbibigay rin sa mga guro ng mga magagamit upang simulan ang pagbuo ng mga pondo para sa kanilang mga pangangailangan sa hinaharap, kabilang ang kanilang pagreretiro.
Sinabi rin ng banking network na lubos nilang ikinararangal na magkaroon ng pagkakataon na makipagtulungan sa DepEd sa pagsuporta at pagbibigay kapangyarihan sa mga tagapagturo na ito.
“The teachers are really the heroes. Day in and day out, they’re the ones who sometimes spend more time with our children. So it’s very important that we support them because it’s like supporting our own family. The success of the teachers will depend on the support they get not only from the government but even from the private sector,” ayon kay Alberto O. Quiogue, Banking Network Senior Vice President and Salary Loans Group Head.
Sa pamamagitan ng tailor-fit products, services, at financial literacy seminar na regular na isinasagawa ng banking in network, inaasahang mas magiging handa ang mga guro upang maabot ang kanilang mga layunin sa pananalapi.
“We at BDO Network Bank, we’re always there to support the teachers and the many endeavors of DepEd. Any support that they need, we’re all out for them.”
“We support the Palarong Pambansa. We have the yearly Brigada Eskwela where we help clean, paint, and fix the schools. There’s also a program wherein at the beginning of the year, we give a lot of donations to the students and teachers. We’re always there to help them,” ani Quiogue.
Pinahahalagahan ng BDO Network Bank, isang community banking arm ng BDO Unibank, ang mga papel na ginagampanan ng mga guro bilang backbone ng edukasyon at sila rin ang mga tunay na bayani na humuhubog sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.