Photo courtesy | MC RMFB

BOLUNTARYONG sumuko ang tatlong dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga tauhan ng 403rd Battalion Maneuver Company (MC) Regional Mobile Force Batalion (RMFB).

Kinilala ng awtoridad ang mga sumuko na sina “Ka Oran”, 30-taong gulang; “Ka Arbindo”, 33-anyos; at “Ka Lito”, na 66-taong gulang, na mga dating miyembro ng NPA sa Barrio.

Kasabay nilang isinuko ang dalang isang yunit ng pump action 12-gaugae shotgun na may defaced serial number at tatlong bala bandang 3:30 ng hapon sa barangay Cabalwa sa bayan ng Mansalay ng probinsya ng Oriental Mindoro nitong ika-10 ng Disyembre, taong kasalukuyan.

Ang matagumpay na pagsuko ng tatlong dating komunistang rebelde ay bunga ng pagtutulungan ng Bulalacao Municipal Police Station (MPS), Roxas MPS, Bongabong MPS, Bansud MPS, Gloria MPS, Pinamalayan MPS, 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), at Provincial Intelligence Unit (PIU), Oriental Mindoro Provincial Police Office (PPO), Criminal Investigation and Detection Group Oriental Mindoro Provincial Force Unit (PFU), PIT, Regional Intelligence Unit 4B, RID MIMAROPA, ISU, 4IB, 2ID, PA, 23rd MICO, 203rd Infantry Brigade, 2ID at Philippine Army.

Kasalukuyan naman nasa kustodiya na ng pulisya ang mga sumukong indibidwal para sa debriefing at tulong bago isama sa Enhanced Comprehensive and Local Integration Program (E-CLIP).

Author