PHOTO//REPETEK

Ni Ven Marck Botin

Inanunsyo ng Malacanang ngayong araw na kumpleto na ang initial phase at efficacy trials ng bakuna laban sa African Swine Fever (ASF) batay sa isinagawang pagsusuri ng Bureau of Animal Industry o BAI.

Sa ika-6th Livestock Philippines Expo 2023, ibinalita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagpakita ng 80% efficacy rate ang nasabing bakuna.

Sinabi rin ng Pangulo na apat-na-daan-at-tatlumpung (430) kooperatiba’t asosasyon na binubuo ng labintatlong libong (13,000) mga miyembro at dalawampu’t pitong libong (27,500) industry workers ang natulungan ng programang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion o INSPIRE.

Sa talumpati ng pangulo, ikinuwento nito ang mga hakbang ng gobyerno sa pagkuha ng Avian Influenza vaccines para sa poultry industry sa Pilipinas.

Aniya, mahalaga ang pagtutulungan ng mga kaugnay na ahensya at kawani sa pagtataguyod ng food security sa bansa maging ang kapakanan o welfare ng mga manggagawa sa mga nabanggit na sektor.