Photo courtesy | Sgt Patian PA/WESCOM PIO
PUERTO PRINCESA – Ikinasa ang isang donation drive para sa mga tropa ng Western Command (Wescom) Armed Forces of the Philippines (AFP) na naka-deploy sa West Philippine Sea nitong nakalipas na Disyembre 12, ngayong taon.
Kabuuang 156 na sako ng bigas na tag-25 kilograms bawat sako at 100 case ng mga delata ang personal ipinamahagi sa tropang nakatalaga sa mga detachment areas ng Wescom sa Kalayaan Island Group.
Ayon sa Wescom, ang hakbanging ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Aboitiz Foundation, Aboitiz Power, Saludo sa Kawal Pilipino Foundation, at tanggapan ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada na naglalayong suportahan ang mga tropang naka-deploy sa mga nasasakupang isla ng Pilipinas.